Sunday, December 7, 2008

Unang Tigas

Naisip ko yung title ng "blog" na 'to nung AP last Thursday. Merong pinagawa samin, na nakalimutan ko na kung para saan. Gumawa kami ng poster tungkol sa "nasyonalismo" at kung pano 'to mapapakita ng mga kabataang tulad ko. Sabi ni Ms. Agduma dapat daw ASTIG. At dahil sa makulay at makulit kong imahinasyon, binaliktad ko ang ASTIG at ginawa kong TIGAS. ASTIG-TIGAS. At dahili lahat tayo'y dapat maging astig, lahat tayo'y dapat tig-asan. Kaya mga Pilipino, tigasan niyo.